67-anyos trader pinatay, ninakawan ng 20-anyos nobya
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - February 17, 2020 - 12:00am

Pinukpok ng coffee mug habang tulog

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Patay ang isang 67-anyos na negosyante matapos pukpukin ng coffee mug habang natutulog ng umano’y 20-anyos na nobya at pagnakawan pa matapos na magsiping ang dalawa sa kanyang tahanan sa Brgy. Caritan Centro ng lungsod na ito kamakalawa.

Sa report ni P/Senior Master Sergeant Dennis Calucag, natagpuang patay at duguan ang ulong nakahilata sa kama ang lolong si Danilo Cauilan dakong-11:00 ng umaga sa kanyang silid.

Narekober ng SOCO ang isang basag na duguang coffee mug na pinaniniwalaang pinangpalo sa ulo at ang duguang unan na pinangpigil sa paghinga ng matanda upang tuluyang mamatay.

Pangunahing suspek sa krimen, ani Calucag ay ang 20-anyos na dalagang si Reymalyn Ferrer na ayon sa mga kapitbahay ay hu­ling namataang kasama ng matanda na madalas nagpapalipas ng gabi sa bahay ng huli.

Nadiskubreng nawawala ang P15,000 cash na pinagbentahan ni Cauilan bilang dealer ng balot at ang mamahalin nitong cellphone na sinasabing tinangay ng suspek.

Ayon kay Calucag, isinailalim nila sa pagtugis si Ferrer matapos hindi na matagpuan sa kanilang bahay sa Barangay Linao Norte.

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with