Rider dedo, 2 sugatan sa salpukan
Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - February 17, 2020 - 12:00am

SARIAYA, Quezon, Philippines — Patay ang isang rider habang dalawang iba pa ang nasugatan makaraang magbanggaan ang sinasakyang motorsiklo nang magkasalubong sa Maharlika Highway, Brgy. Balubal, kamakalawa ng gabi. 

Nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan si Froilan Jake Bautista, 29, may asawa ng Cuenca, Batangas sanhi ng kanyang pagkamatay samantalang ginagamot sa Quezon Me­dical Center (QMC) dahil sa tinamong mga sugat sa katawan ang magkamag-anak na sina Porfirio Ma­tamorosa Jr., 34, ng Brgy. Balubal at Michael Angelo Matamorosa, 29, ng Brgy.

Tumbaga 1, pawang sa bayang ito. Ayon sa pulisya, patungo sa Lucena City si Bautista at minamaneho ang kanyang Honda Mio nang banggain ito ng humaharurot na Rusi motorcycle dakong alas-7:45 ng gabi.

 Kapwa tumilapon ang mga sakay ng dalawang motorsiklo at mabilis na dinala sa pagamutan pero nalagutan ng hininga si Bautista.

 

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with