61-anyos misis tigok sa kapitbahay
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - February 17, 2020 - 12:00am

Humarang habang tinataga ang mister

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Namatay sa ibabaw ng su­gatang katawan ng mister ang isang 61-anyos na misis nang iharang nito ang sarili nang makitang nakahandusay na ang asawa matapos pagta­tagain ng kanilang kapitbahay sa Purok-6, Brgy. Obrero, Bulan, Sorsogon kamakalawa ng madaling araw.

Kapwa isinugod ng mga barangay tanod sa Pantaleon Gotladera Memorial Hospital ang sugatang si Federico Bandola Gidoc, 64-anyos at ang walang malay na misis na si Libertad Bon Gidoc pero idineklarang dead-on arrival ang huli dahil sa hinihinalang atake sa puso.

Arestado naman ang suspek na si Ramil Cama Alvarez, 50-anyos, na nagtago sa kanyang bahay sa nasabing barangay.

Sa ulat, dakong alas-12:30 ng madaling araw umuwing lasing sa kanilang bahay makaraang makipag-inuman ang suspek. Gayunman, dahil sa matagal nang alitan ay nagparinig siya ng masasamang salita nang mapadaan sa tapat ng bahay ng mag-asawa na nagresulta ng pagtatalo.

Kasunod nito, umuwi sa kanyang bahay ang suspek at pagbalik ay armado na ng itak at agad pinagtataga si Federico. Nang makita ni Libertad ang sugatan at nakahandusay na mister ay agad dinapaan nito ang asawa at biglang hinimatay.

Agad rumesponde ang mga tanod ng barangay at mabilis na isinugod ang mag- asawa sa ospital pero hindi na umabot nang buhay ang misis habang nilapatan ng lunas ang mga sugat ng mister. Joy Cantos

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with