Kinilala ni Laguna Provincial Police Office director P/Col. Eleazar Matta ang mga naares­tong suspek na sina Cheady Mayor Ford, 32-anyos, nanunuluyan sa Boni Avenue, Mandaluyong City at Abrahim Jallor, 26, pansamantalang tumutuloy sa isang apartelle sa Pasay City; pawang mga turista.
STAR/ File
2 Liberian kidnaper huli, dinukot na trader nasagip
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - February 16, 2020 - 12:00am

Dahil sa paglabag sa batas trapiko

MANILA, Philippines — Dahil sa paglabag sa batas trapiko, nasakote ang dalawang Liberian national, isa rito ang sugatan nang manlaban sa mga pulis habang nasagip ang kinidnap nilang negosyanteng Ghanaian matapos matiyempuhan sa kahabaan ng national highway sa hangganan ng Muntinlupa City at San Pedro City, Laguna kamakalawa ng tanghali.

Kinilala ni Laguna Provincial Police Office director P/Col. Eleazar Matta ang mga naares­tong suspek na sina Cheady Mayor Ford, 32-anyos, nanunuluyan sa Boni Avenue, Mandaluyong City at Abrahim Jallor, 26, pansamantalang tumutuloy sa isang apartelle sa Pasay City; pawang mga turista.

Ang nasagip na biktima ay nakilala namang si Wisdom Obi Tanko, 54-anyos, ng Block 7, Lot 38, Springville Garden II, Molino, Bacoor City, Cavite at may ilang taon nang naninirahan sa Pilipinas.

 Sa imbestigasyon, alas-12 ng tanghali nang sitahin ng traffic enforcer ang behikulo na sinasakyan ng mga suspect dahilan sa paglabag sa trapiko “beating the red light” sa national highway ng Brgy. San Antonio, San Pedro City.

 Nang sumilip ang traffic enforcer sa behikulo, nakita nito ang biktima na nakagapos ang mga kamay sa hulihang bahagi ng sasakyan kaya mabilis na hu­mingi ng tulong sa mga elemento ng Special Weapons and Tactics (SWAT) na ’di kalayuan sa lugar.

 Kinumpirma naman ng biktima sa mga rumes­pondeng pulis na dinukot siya ng dalawang Liberian kaya agad nilang inaresto ang mga suspek. Habang pinoposasan, tinangka pa umano ng isa sa mga suspek na mang-agaw ng baril kaya pinaputukan ng isa sa mga operatiba at nasu­gatan sa kaliwang bahagi ng tiyan.

SPRINGVILLE GARDEN II WISDOM OBI TANK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with