Regional finance chief ng NPA bulagta sa engkuwentro
Joy Cantos, Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - February 16, 2020 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines — Napaslang ang isang regional finance chief ng mga teroristang New People’s Army (NPA) sa isinagawang inter-agency law enforcement operation ng security forces sa hideout ng komunistang grupo sa liblib na lugar sa Sitio Lacobe, Brgy. Malabuan, Makilala, North Cotabato nitong Biyernes ng tanghali.

 Sa ulat ni Brig. Gen. Adonis Bajao, commander ng Army’s 1002nd Infantry Brigade, kinilala ang napaslang na lider ng NPA na si Juanita Gore Tacadao alyas “Ka Isay/Maring”, logistics and finance chief ng NPA Command sa Eastern Mindanao.

 Bandang alas-12 ng tanghali, ayon sa opis­yal nang magtungo ang kanilang team mula sa 39th Infantry Battalion (IB) sa ilalim ng superbis­yon ni Lt. Col. Geofrey Carandang at Makilala Police Office sa lugar upang isilbi ang warrant of arrest laban kay Tacadao.

 Ang warrant of arrest ay inisyu nina Judge Magnolia Velez ng 11th Judicial Region, RTC-Branch 20 ng Digos City, Davao del Sur sa kasong murder at Judge Jose Tabosares ng 12th Judicial Region, RTC-Branch 23 ng Kidapawan City sa kasong robbery with violence.

 Ayon sa opisyal, papalapit pa lamang sa lugar ang security forces ay nagpulasan ng takbo ang grupo ni Tacadao habang ang iba naman ay pinaputukan ang tropa ng pamahalaan na nauwi sa maikling palitan ng putok.

 Napaslang si Taca­dao sa engkuwentro na ­inabandona ng mga nagsitakas nitong tauhan bitbit ang mga sugatan sa kanilang panig.

Narekober sa lugar ang isang M14 rifle, isang cal. 38 pistol, landmine, dalawang blasting caps at detonating cord.

ADONIS BAJAO NPA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with