2 coed tinumbok ng van: 1 patay
Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - February 16, 2020 - 12:00am

CAVITE, Philippines  -  Sa halip na preno, accelerator ang natapakan ng isang driver ng L300 van kung kaya bumulusok ito patungo sa mga naglalakad na estudyante sa gilid ng kalsada dahilan ng pagkamatay ng isang kolehiyala at ikinalubha ng isa pa sa kahabaan ng Aguinaldo Highway Brgy. Zone 1-A, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na sina Elsie May De Guzman, 19-anyos residente ng 038 Jose Abad Santos St., Salitran 1, Dasmariñas City habang ang malubhang nasugatan ay si Yumilka Shin Calahati,  19, isa ring college student at residente ng B14, L24, Phase B, Woodlane Subd., Brgy. Malagasang 1-A, Imus City.

Sa ulat ni Pat. Norman Guerra, alas-10:40 ng umaga, magkasabay na naglalakad ang dalawang biktima kasama ang iba pang estudyante sa gilid ng Aguinaldo Highway Brgy. Zone 1-A nang bigla na lamang silang tumbukin ng isang Mitsubishi L300 na minamaneho ni Jeffrey Balidoy, 26, ng Pintung Gubat, Paliparan III, Dasmariñas City. Habang bumabagtas ang van sa highway nang magpasya ang driver nito na mag-menor subalit sa halip na preno ay ang accelerator ang kanyang natapakan dahilan upang magrebolusyon ang sasakyan at dire-diretsong inararo ang mga nagla­lakad na estudyante na ikinasawi ng isang biktima.

ELSIE MAY DE GUZMAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with