^

Probinsiya

Parak itinumba

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang pulis ang patay matapos na tadtarin ng bala ng dalawang ‘di kila­lang salarin habang nasa kanyang bakuran malapit sa isang restaurant, ilang metro lang ang layo sa police station sa Abra kahapon ng umaga. Kinilala ang biktima na si P/Master Sergeant Frederick Fernandez Ybanez, tubong Cebu at nakatalaga sa Abra Police Station. Siya ay idineklarang dead-on-arrival sa Dr. Petronilo V. Seares Sr. Memorial Hospital sa Bangued dahil sa rami ng tama ng bala sa katawan.Ayon kay Insp. Raquel Alonzo, senior staff ng Abra Police Information Office, kakaalis lamang ni Ybanez sa police station nang umatake ang dalawang suspek dakong alas-8:40 ng umaga. Nasa bakuran lamang ng kanyang boarding house si Ybanez sa may Mommy Chows Hauz sa Brgy. Poblacion, may 40 metro ang layo sa police station, nang biglang sumulpot ang dalawang killer, na sinasabing nag-meryenda pa sa nasabing restaurant. Agad na pinagbabaril ang nasabing pulis na agad niyang ikinamatay.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with