Ayon kay P/Lt.Col. Orlando Castil Jr., hepe ng San Jose del Monte Police, isang naghahakot ng basura na nakilalang si Rodelio Gorriceta, 22-anyos ang nakakita sa nasabing maleta sa gilid ng kalsada dakong alas-5:30 ng umaga.
STAR/ File
Lalaki pinugutan, isinilid sa maleta
Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - January 26, 2020 - 12:00am

SAN JOSE DEL MONTE CITY, Bulacan, Pgilippines – Karumal-du­mal ang sinapit ng isang hindi pa kilalang lalaki matapos na matagpuang napugutan ng ulo, walang dalawang binti at naag­nas na habang nakasilid sa isang maleta kahapon ng umaga sa Quirino Highway, Marcela 5, Brgy. San Manuel ng nasabing siyudad.

Ayon kay P/Lt.Col. Orlando Castil Jr., hepe ng San Jose del Monte Police, isang naghahakot ng basura na nakilalang si Rodelio Gorriceta, 22-anyos ang nakakita sa nasabing maleta sa gilid ng kalsada dakong alas-5:30 ng umaga.

Kinuha umano ni Gorriceta ang maleta at inilagay sa likurang bahagi ng trak ng basura.

Pagdating nila sa dumpsite, doon niya binuksan ang maleta at laking gulat niya nang tumambad ang isang na­ngangamoy at naaagnas nang bangkay ng isang lalaki na walang ulo at walang mga binti. Agad niyang ipinagbigay-alam sa mga otoridad ang kanyang nasaksihan.

Inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng putol na katawan ng biktima at hinala ng mga ito na sa ibang lugar kinatay ang lalaki at itinapon ang ulo at dalawang binti nito.

ORLANDO CASTIL JR.
Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with