Ang namatay na biktima ay nakilalang si Joselito Cabanas Jr., 27-anyos, kapitbahay ng may-ari ng aso na si Katlin Santos, 31-anyos na inoobserbahan ang maselang kondisyon sa pagamutan; kapwa residente ng nasabing lugar.
STAR/ File
Kapitbahay tigok, among babae malubha
Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - January 26, 2020 - 12:00am

Alagang aso nakuryente, tinangkang iligtas

CAVITE , Philippines - Dahil sa pag-aakalang nasasakal lang sa pagkakatali ang alagang aso, tinangka itong iligtas ng kanyang among babae na tinulungan din ng isa pang kapitbahay subalit kapwa sila nakuryente na ikinamatay ng huli sa Brgy. San Andres 2, Dasmariñas City.

Ang namatay na biktima ay nakilalang si Joselito Cabanas Jr., 27-anyos, kapitbahay ng may-ari ng aso na si Katlin Santos, 31-anyos na inoobserbahan ang maselang kondisyon sa pagamutan; kapwa residente ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ni P/CMS Elmo Cabo­boy, alas-9:00 ng gabi nang maganap ang insidente. Tinawag umano si Santos ng ilan nitong kapitbahay hinggil sa nangingisay umano ang alaga nitong aso na nakatali sa may street light ng barangay.

Sa puntong ito, inakala ni Santos na nasasakal lang sa pagkakatali ang alagang aso kung kaya’t agad niyang hinawakan ang kadena nito upang luwagan pero bigla na  lamang siyang nangisay.

Agad namang sumaklolo ang kapitbahay na si Cabanas pero ma­ging siya ay nakuryente at malakas na boltahe ang pumasok sa katawan nito mula sa street light. Nang maialis ang katawan ng dalawa sa pagkakakuryente, agad silang itinakbo sa Pagamutan ng Dasmariñas su­balit idineklarang dead-on-arrival ang lalaki habang malubha ang babaeng biktima.

ELMO CABO­BOY JOSELITO CABANAS JR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with