Sa report na nakara­ting kay Captain Julius Basallo, hepe ng Bangui Police Station, pumailalim sa GMW Trans passenger bus si Gina Ventura nang tumilapon sa kalsada mula sa sidecar ng traysikel na minamaneho ng kanyang pamangkin na si Junjun Ventura, 34-anyos, matapos salpukin ng motorsiklo ni Sherwin Antonio, 21.
STAR/ File
Misis pisak sa bus, 3 pa kritikal
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - January 26, 2020 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines  - Pisak ang isang 51-an­yos na misis matapos magulungan ng isang pampasaherong bus habang malubha ang dalawa nitong pamangkin at isa pang rider kasunod ng salpukan ng kanilang traysikel at motorsiklo sa Brgy. Lanao, Bangui, Ilocos Norte noong Biyernes ng gabi. 

Sa report na nakara­ting kay Captain Julius Basallo, hepe ng Bangui Police Station, pumailalim sa GMW Trans passenger bus si Gina Ventura nang tumilapon sa kalsada mula sa sidecar ng traysikel na minamaneho ng kanyang pamangkin na si Junjun Ventura, 34-anyos, matapos salpukin ng motorsiklo ni Sherwin Antonio, 21.

Ayon sa report, nag-overtake sa isa pang sasakyan si Antonio na umano’y galing sa isang laklakan nang makasalpukan nito ang kasalubong na traysikel ng magtiyahin dakong alas-6:30 ng gabi.

Kasamang nasu­gatan ang pinsan ni Junjun na si Jenifer Ventura, 38, at driver ng motorsiklo na si Antonio na isinugod sa Bangui District Hospital kung saan idineklarang patay ang nakatatandang Ventura.

Nasa kustodya naman ng pulisya ang drayber ng bus na si Jerry Bayaca, 47. 

GINA VENTURA GMW JULIUS BASALLO
Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with