Kinilala ni P/Lt.Col.William Angway, chief of police dito ang biktima na si Roberto Sabinosa, 59, na agad na namatay sa insidente.
STAR/ File
Mister binistay ng bala ng naka-dyip
Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - January 26, 2020 - 12:00am

SARIAYA, Quezon, Philippines  - Sabog ang ulo at nagkabutas-butas ang katawan ng isang mister makaraang paulanan ng punglo ng hindi pa nakikilalang salarin habang ang biktima ay nakaupo sa harapan ng kanyang bahay sa Lucky Homes Subdivision, Brgy. Sto. Cristo sa bayang ito, kamakalawa ng umaga. 

Kinilala ni P/Lt.Col.William Angway, chief of police dito ang biktima na si Roberto Sabinosa, 59, na agad na namatay sa insidente.

Sa ulat, alas-7:30 ng umaga habang nagpapahangin sa labas ng kanilang bahay ang biktima nang dumating ang isang jeep at mabilis itong pinagbabaril ng isa sa suspek na nasa loob ng sasakyan. Nang matiyak na patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga salarin. Nakarekober ang SOCO sa crime scene ang anim na basyo ng kalibre 45. Inaalam na ang motibo sa krimen.

ROBERTO SABINOSA SOCO WILLIAM ANGWAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with