^

Probinsiya

Parak itinumba sa loob ng bus

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

3 gunmen nagpanggap na pasahero

ZAMBOANGA DEL NORTE, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang pulis sa loob ng isang pampasaherong bus ng tatlong lalaki na nagkunwaring mga pasahero habang bu­mabagtas sa kahabaan ng highway ng Brgy. Mamawan, Baliguian, Zamboanga del Norte nitong Biyernes ng hapon.

 Kinilala ang nasa­wing biktima na si P/Master Sergeant Chito Lagahit Jr., aktibong kasapi ng Baliguian Municipal Police Station. Siya ay idineklarang dead-on-arrival sa Siocon District Hospital sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

 Sinabi ni Police Major Helen Galvez, spokesperson ng Police Regional Office (PRO) 9, na nangyari ang pamamaslang sa biktima sa loob ng SJG Bus Liner habang tumatakbo ang behikulo sa highway ng Sitio Quarry, Brgy. Mamawan, Baliguian dakong alas-5:45 ng hapon.

 Nauna rito, lumalabas sa imbestigasyon na sumakay ang tatlong suspek sa nasabing bus galing Dipolog City patungo sa Baliguian at tinabihan ang biktima sa upuan. Pagsapit sa nasabing lugar, agad na siyang pinagbabaril ng mga suspek.

 Nagsigawan sa takot ang mga pasahero at ilang saglit pa ay nagsibaba na ang mga suspek na pinaputukan pa ang windshield sa harapan ng bus malapit sa may driver.

vuukle comment

CHITO LAGAHIT JR.

HELEN GALVEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with