Sa ulat, unang ikinasa ng Bacoor Police kasama ang PDEA 4A at PDEA-Cavite ang operasyon dakong ala- 1:30 ng madaling araw sa Brgy. Molino 4 kung saan naaresto si Punyong at nakuhanan ng 55.5 gramo ng shabu na nasa P377,400 ang halaga.
STAR/File
3 misis, 2 pa huli sa P5 milyong shabu
Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2020 - 12:00am

CAVITE, Philippines — Nalaglag sa kamay ng pulisya ang limang high value target (HVT) ng pulisya kabilang ang tatlong ginang sa magkakasunod na drug operasyon sa magkatabing barangay sa lungsod ng Bacoor kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Police Col. Vic Cabatingan, hepe ng pulisya rito, ang mga suspek na sina Aisa Juiamalo, 58-anyos; Bainot Saidali, 40, at Nasser Makalpal, 38; pawang ng Georgetown, Ph2, Houston St., Brgy. Molino 4; Baebon Mohammad, 25, ng Brgy. Kangkongan, Lower Bicutan, Taguig City, at Ramona Punyong, 31, ng Phase 2,Georgetown, Brgy. Molino 4, Bacoor City.

Sa ulat, unang ikinasa ng Bacoor Police kasama ang PDEA 4A at PDEA-Cavite ang operasyon dakong ala- 1:30 ng madaling araw sa Brgy. Molino 4 kung saan naaresto si Punyong at nakuhanan ng 55.5 gramo ng shabu na nasa P377,400 ang halaga. Sumunod ay sa loob ng Georgetown Homes ng nasabi ring barangay dakong alas-2:45 ng madaling araw na ikinaaresto nina Juiamalo, Saidali at Makalpal. Nakuha sa mga suspek ang 635 gramo ng shabu na nasa  P4,318,000 na nakasiksik sa isang latang gatas at nakabaon sa lupa. Nasamsam din sa operasyon sa Brgy. San Nicolas 3, alas-3:20 ng madaling araw kay Mohammad ang may 50.10 gramo ng shabu (P340,680).

Malaki ang hinala ng pulisya na iisang grupo lamang ang mga nadakip na suspek kung saan si Juiamalo ang kanilang pinakalider.

SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with