Nakapiit na ngayon at sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 ang suspek na si Irene Lat, alyas Mommy, 49, ng Brgy. Malabanban Norte, Candelaria, Quezon.
STAR/File
Shabu sa pan de coco, nasabat sa dalaw
Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2020 - 12:00am

LUCENA CITY, Philippines — Nagmistulang K-9 dog ang isang pulis makaraang madiskubre nito ang shabu na inilagay sa loob ng tinapay na balak na ipuslit ng isang babaeng dalaw sa loob ng custodial faci-lity ng Lucena Police Station sa Barangay 5, sa lungsod, kamakalawa ng gabi.

Nakapiit na ngayon at sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 ang suspek na si Irene Lat, alyas Mommy, 49, ng Brgy. Malabanban Norte, Candelaria, Quezon.

Ayon kay P/Lt. Col. Romulo Albacea, dadalaw ang suspek sa kaibigang babae na nakapiit dahil din sa kasong may kaugnayan sa droga.

Nang rekisahin ni P/SSgt. Lustado dakong alas-7:30 ng gabi  ang dalang pan de coco ng suspek na nakalagay sa plastic ay napansin nito ang tila balisang pagkilos ng babae at nang buksan ang isang tinapay ay roon na tumambad ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 1.66 gramo.

Itinanggi naman ng suspek na sa kanya ang iligal na droga at sinabing ipinapa-kisuyo lamang ito sa kanya na ibigay sa kaibigang babae na nakakulong.

PAN DE COCO SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with