Unang PUV caravan umarangkada sa Albay
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2020 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Ipinakita ng ilang trans-port group sa Bicol ang kanilang suporta sa ipatutupad na PUV modernization sa bansa ngayong darating na Hulyo sa ginawang “First Modern PUV Caravan” sa Legazpi City, Albay, inulat kahapon.

Pinangunahan ang caravan nina Land Transportation Franchising and Regulatory Board regional director Eduardo Montealto Jr., Land Transportation Office regional director Noreen San Luis Lutey at DOTr technical chief Joel Bolaños.

Sa ginawang showca-sing ng mga Euro-4 Jeepney ng iba’t ibang kumpanya sa carpark ng SM-City Legazpi, nagkaroon ng pagkakataong makapagtanong at masilip ng mga jeepney operator at drivers ang mga bagong unit ng jeepney.

Ayon kay Noel Lladones ng Bicol Jeepney Transport Federation, pabor sila sa modernisasyon ng mga lumang jeep dahil maliban sa eco-friendly ang Euro-4 jeepney ay convenient ang mga pasahero dahil aircontioned at may wifi.

Ayon kay Montealto, matagal na umanong plano kahit ng naunang mga administrasyon na gawing ligtas ang transportasyon sa bansa at sa ilalim lamang ng Pangulong Rodrigo Duterte maipapatupad. Simula sa Hulyo 1 ay ipatutupad na ang modernisasyon ng mga jeep habang hanggang Hunyo 30 na lamang ang bisa ng mga lumang prangkisa nito.

PUV PUV CARAVAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with