Nabatid sa imbestigasyon na ang tatlong opisyal ay naglalaro ng golf tuwing Martes, Miyerkules, at Huwebes kapag pakiramdam ng mga ito ay ‘bored’ na sila sa kanilang mga trabaho.
STAR/File
3 PNP officials sibak sa paglalaro ng golf
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tatlong senior offi­cers ng Central Visayas Police ang sini­bak sa puwesto ni Philippine National Police (PNP) Chief Police Gen. Archie Gamboa matapos umanong lumabag sa patakaran makaraang mapag-alamang nagla-laro ang mga ito ng golf habang nasa oras ng trabaho.

Kinilala ang mga sinibak na opisyal na sina Col. Dennis Artil, regional chief comptroller; Lt. Col. Richard Bad-Ang, chief ng finance service at Lt. Col. Glenn Mayam, director ng Regional Drug Enforcement Group (RDEG); pawang ng Police Regional Office (PRO) 7 sa Cebu na nasasaklawan ng  Central Visayas Region.

“I have ordered last night the relief of three senior officers in Central Visayas for violating my policy on not playing golf during weekdays”, pahayag ni Gamboa sa press brie-fing sa Camp Crame.

Nabatid sa imbestigasyon na ang tatlong opisyal ay naglalaro ng golf tuwing Martes, Miyerkules, at Huwebes kapag pakiramdam ng mga ito ay ‘bored’ na sila sa kanilang mga trabaho.

Ang dalawa sa tatlong nasabing mga opisyal ay nakatakda na sanang ma-promote sa posisyon pero ipinagpaliban ito dahilan sa kanilang mga paglabag.

Sinabi ni Gamboa na pinahihintulutan lamang maglaro ng golf ang mga opisyal matapos ang oras ng trabaho.

GOLF
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with