Ang nasawing biktima ay si Bernardo Umali, retiradong seaman, at negosyante ng Brgy. San Sebastian, Hagonoy, Bulacan.
STAR/FIle
Trader nirapido ng riding-in-trio
Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2020 - 12:00am

PAOMBONG, Bulacan, Philippines — Todas ang isang 48-anyos na negosyante habang nasa malubhang kalagayan sa pagamutan ang live-in partner nito, at himala namang nakaligtas ang kasama nilang apat na taong gulang na paslit makaraang pagbabarilin ng riding-in-trio habang sakay ng isang sports utility vehicle (SUV) kahapon ng umaga sa national road sa Brgy. Sto. Niño, sa bayang ito.

Ang nasawing biktima ay si Bernardo Umali, retiradong seaman, at negosyante ng Brgy. San Sebastian, Hagonoy, Bulacan.

Patuloy namang inoobserbahan sa pagamutan ang kalagayan ng 58-anyos na live-in partner nito na si Corazon Indon, dahil sa tinamong tama ng bala sa ulo; habang nasa mabuti namang kalagayan ang apo ni Corazon na himalang nakaligtas sa insidente na noo’y nasa likurang bahagi ng sasakyan.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:00 ng umaga habang binabagtas ng mga biktima ang national road sa nasabing bayan sakay ng isang Toyota Fortuner (NBN-3341) nang bigla na lamang silang bulagain ng mga salarin na pawang sakay ng isang motorsiklo at pagbabarilin gamit ang isang kalibre .45 pistola.

Dead-on-the-spot ang negosyante dahil sa tinamong tama ng bala ng baril sa ulo, leeg, batok at katawan nito habang mabilis namang naisugod sa ospital ang live-in-partner na kinakailangan tanggalin ang bala sa utak nito.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa natu-rang kaso.

RIDING-IN-TRIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with