Nasawi sina Samuel Perez, binata, at ang angkas nitong si Noli Boy Aguilar, 46, kapwa residente ng Brgy. Naguilyan West, Mangatarem, Pangasinan makaraang bumangga ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa concrete barriers at mahulog sa may higit na tatlong metrong bangin sa kahabaan ng Mangatarem-Zambales Road (Daang Kalikasan) sa Brgy. Muelang kamakalawa ng gabi.
STAR/File
5 tigok sa motorcycle crash
Cesar Ramirez, Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Utas ang limang katao habang malubha ang isang 9-anyos na totoy matapos masangkot sa magkakahiwalay na aksidente ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Mangatarem, Pangasinan, Ilagan City at Reina Mercedes, Isabela noong Miyerkules.

Nasawi sina Samuel Perez, binata, at ang angkas nitong si Noli Boy Aguilar, 46, kapwa residente ng Brgy. Naguilyan West, Mangatarem, Pangasinan makaraang bumangga ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa concrete barriers at mahulog sa may higit na tatlong metrong bangin sa kahabaan ng Mangatarem-Zambales Road (Daang Kalikasan) sa Brgy. Muelang kamakalawa ng gabi.

Napag-alaman na sakay ng motorsiklo ang dalawa na minamaneho ni Perez habang binabagtas ang zigzag na kalsada nang mawalan ito ng kontrol sa manibela kung kaya’t aksidente itong bumangga sa concrete barriers sa gilid ng kalsada saka tumilapon sa bangin na nagresulta sa kanilang kamatayan.

Samantala, sa Ilagan City at Reina Mercedes, Isabela, magkasabay namang naganap ang aksidente dakong alas-10:40 ng gabi na ikinasawi nina Jeffrey Belgado 35, Alvin Salsalan 27 at isang hindi pa natukoy na mister.

Angkas ni Belgado ang anak na si Miguel 9, nang tumbukin sila ng sumusunod na trak na nagpatuloy sa pagtakbo sa highway ng Brgy. Sinippil, Reina Mercedes.

Isinugod ang mag-ama sa isang pribadong ospital sa Cauayan City kung saan idineklarang patay ang nakatatandang Belgado habang tinutugis ng awtoridad ang tumakas na drayber ng trak.

Sa Ilagan City, nalagutan ng hini­nga habang ginagamot sa Governor Faustino Dy Sr. Memorial Hospital si Salansan na isang credit investigator samantalang dead-on-arrival ang hindi na nakikilalang mister matapos magsalpukan ang kanilang mga motor sa Brgy. Baligatan.

MOTORCYCLE CRASH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with