Ayon sa imbestigas­yon, lulan ng Yamaha sniper na motorsiklo ang mga biktima na kapwa nakadamit na pang-sibil­yan at wala sa combat operation nang paulanan ng bala ng mga armadong suspek sa lugar na sakay rin ng isang motorsiklo.
STAR/File
Sundalo dedo, 1 kritikal sa ratrat ng tandem
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang sundalo habang nasa kritikal na kalagayan ang kasamahan nito matapos ratratin ng riding-in-tandem sa Midsayap, North Cotabato nitong Mi­yerkules ng tanghali.

Kinilala ang nasawing biktima na si Private First Class Meljay Bernal, 30, napuruhan ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Patuloy namang isinasalba sa pagamutan ang kasamahan nitong naki­lala namang si Corporal Earl Tabaranza, 31-taong gulang. Ang dalawa ay kapwa miyembro ng Army’s 34th Infantry Battalion (B).

Sa report ni Col. Glenn Caballero, Commander ng Army’s 34th IB pasado alas-11:00 ng tanghali nang mangyari ang insidente sa kahabaan ng national highway ng Brgy. Central Glad, sa naturang bayan.

Ayon sa imbestigas­yon, lulan ng Yamaha sniper na motorsiklo ang mga biktima na kapwa nakadamit na pang-sibil­yan at wala sa combat operation nang paulanan ng bala ng mga armadong suspek sa lugar na sakay rin ng isang motorsiklo.

Nagsasagawa na ng manhunt operations ang mga awtoridad sa mga nagsitakas na salarin.

TANDEM
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with