Kinilala ang mga nasa-wing biktima na sina Saliha Malik, misis ng suspek at anak nito na si Adam Salik na dead-on-arrival sa ospital.
STAR/File
Mister napraning, misis at anak kinatay!
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - January 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinagtataga, pinagsasaksak at pinalakol pa ng isang mister na may diperensya umano sa pag-iisip ang sa-riling misis at mga anak nito sa karumal-dumal na krimen na naganap sa loob ng kanilang bahay sa Tipo-Tipo, Basilan, Lunes ng umaga.

Kinilala ang mga nasa-wing biktima na sina Saliha Malik, misis ng suspek at anak nito na si Adam Salik na dead-on-arrival sa ospital.

Sugatan naman ang da-lawa pang anak na sina Jimal Malik at Nhur Sapina Malik na patuloy na nagpapagaling sa ospital.

Sa ulat mula kay Police Lieutenant Thomas Cayom­ba, hepe ng Tipo-Tipo Police, lumalabas sa paunang im-bestigasyon na may problema umano sa pag-iisip ang suspek na si Jajilul Hakanun Malik kaya nito nagawang katayin ang kanyang mag-iina.

Narekober ng mga ru­mes­pondeng pulis sa bahay ng pamilya Malik ang mga duguang itak, palakol at kutsilyo na pinaniniwalaang ginamit sa krimen.

Kasong double parricide ang isasampang kaso ng mga otoridad laban sa suspek.

MISTER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with