Napuruhan sa iba’t ibang bahagi ng katawan at agad namatay ang biktimang si Edilardo “Edi” Lumabad Perras, residente at barangay captain sa nasabing lugar.
STAR/File
Bgy. Chairman itinumba sa lamayan
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - January 22, 2020 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines —Nasawi noon din ang isang 47-anyos na tserman ng barangay matapos na pagbabarilin ng hindi nakilalang gunman sa harap mismo ng kanyang asawa habang nakikipaglamay sa patay sa Brgy. Del Rosario, Bato, Camarines Sur kamakalawa ng gabi.

Napuruhan sa iba’t ibang bahagi ng katawan at agad namatay ang biktimang si Edilardo “Edi” Lumabad Perras, residente at barangay captain sa nasabing lugar.

Hindi naman nakilala ang nag-iisang gunman na mabilis tumakas matapos ang pamamaril.

Sa ulat, dumalo ang biktima at kanyang asawang si Jennifer Perras sa huling lamay ng kanilang namatay na ka-barangay. Gayunman, alas-8:30 ng gabi, habang nasa lamay ang mag-asawa ay biglang dumating ang suspek na armado ng hindi malamang kalibre ng baril at ilang ulit pinutukan sa katawan ang biktima.Wala namang nakakilos sa mga nakikipaglamay sa takot at pagkabigla.

Blangko pa ang mga pulis sa pagkakakilanlan ng suspek at sa motibo nito sa pamamaslang.

CHAIRMAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with