Anak ng mediaman, live-in partner inutas
Jorge Hallare, Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - January 22, 2020 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Bulagta sa loob mismo ng kanilang bahay ang anak ng isang mediaman at live-in partner nito makaraan silang pasukin at bistayin ng bala ng dalawang pinaniniwalaang berdugo sa Sitio San Lorenzo, Brgy. Bibincahan, Sorsogon City, Sorsogon noong Lunes ng gabi.

Kapwa namatay noon din dahil sa mga tama ng pung­lo sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktimang sina Lawrex Roy Tina Marinda alyas Dondon, 35-anyos, anak ng mediaman na si Lauren Marinda alyas “Lolo Bosing” ng Sorsogon Mirror at dating announcer ng isang lokal na TV at radio station sa Sorsogon City, at ang kinakasama ng una na si Muriel Barsaga Sola, pawang residente ng nasabing barangay.

Sa ulat, dakong alas-6:50 ng gabi habang nasa sala at nagpapahinga matapos na maghapunan ang mga biktima sa loob ng kanilang bahay nang biglang pumasok ang dalawang hindi nakila-lang armadong lalaki. Bigla na lamang silang niratrat sanhi upang kapwa duguang bumulagta sa sahig.

Matapos na mapaslang ang dalawa, tumakas ang mga suspek patungo sa hindi malamang destinasyon.

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with