^

Probinsiya

2 NPA todas sa sagupaan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang napaslang makaraang makasagupa ang elite team ng pulisya sa isang liblib na lugar sa Sitio Balot Kahoy, Brgy. San Antonio, Kalayaan, Laguna kamakalawa.

 Sa ulat ni Laguna Provincial Police Office (PPO) Director Colonel Eleazar Matta, dakong ala-1:30 ng hapon kasalukuyang nagpapatrolya ang tropa ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB) 4-A sa pamumuno ni Police Captain Paul Bobadilla nang masabat ang nasa 20 armadong rebelde.

 Sa nasabing pagpa­panagpo, agad nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig na tumagal ng ilang minuto na ikinasawi ng dalawang rebelde na inabandona ng mga nagsitakas na mga kasamahan nito. Wala namang naiulat na nasugatan at nasawi sa panig ng pulis­ya.

vuukle comment

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with