^

Probinsiya

12 libong pamilya tinanggal sa 4Ps

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines — Tinanggal sa listahan ng mga benepisyaryo ng Pantawind Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ang mahigit 12,000 na pamilya sa Region 12. Paliwanag ni Department of Social Welfare and Development 12 Regional Director Cezario Joel Espejo, karamihan sa mga tinanggal ay mismong nag-waived ng paglakip sa kanila sa 4Ps. Ito ay matapos na kaya na ng mga ito na magkaroon ng sapat na pangunahing mga pangangailangan.

Nabatid na sa nasabing bilang, mahigit 2,000 sa kanila ay tinanggal sa listahan noon lamang nakaraang taon.

Pinakamarami sa mga tinanggal na benepisyaryo ng 4Ps sa Soccsksargen na umabot ng mahigit 3,700 ay nasa North Cotabato, may tig dalawang libo sa Sultan Kudarat at Sarangani,mahigit isang libo sa South Cotabato, siyamnaraan sa Marawi City, walong daan sa General Santos City at limang daan sa Cotabato City.

Ang iba sa kanila ayon kay Espejo ay inalis sa 4Ps dahil wala nang mga kwalipikadong miyembro ng pamilya. May ilan ding mga sangkot umano sa anomalya at non-poor cases o hindi totoong naghihirap kaya inalis sa 4Ps.

Sa tala, mayroong mahigit 200,000 pamilyang benepisyaryo ng 4Ps sa Region 12. 

vuukle comment

PANTAWIND PAMILYANG PILIPINO PROGRAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with