Ayon kay Lanao del Sur Police provincial director, Col. Madzgani Mukaram, magsisilbi sana ng warrant of arrest ang pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar ngunit nanlaban ang mga suspek na di pa tinukoy ang pagkakakilanlan.
STAR/File
2 Maute-ISIS terrorist dedo sa encounter
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - January 20, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi na nagpahuli nang buhay ang dalawang kilabot na miyembro ng Maute/ISIS inspired terrorist group sa inilunsad na joint AFP-PNP law enforcement operation makaraang mapatay nang manlaban sa Brgy. Pagalamatan Saguiaran, Lanao del Sur kamakalawa. 

Ayon kay Lanao del Sur Police provincial director, Col. Madzgani Mukaram, magsisilbi sana ng warrant of arrest ang pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar ngunit nanlaban ang mga suspek na di pa tinukoy ang pagkakakilanlan.

Tumagal ng mahigit 10 minuto ang palitan ng putok ng mga awtoridad at mga terorista na kapwa umano miyembro ng grupo ni Osoph Hadji Nasif alyas Kumander Asrap.

Ang grupo ni Kumander Asrap ay suspek sa pananambang kay Mayor Nasser Pangandaman Jr. ng bayan ng Masiu na nagresulta sa pagkamatay ni Staff Sergeant Jabbar Pangandaman.

 Si Moscir ay may warrant of arrest dahil sa kasong pagpatay kay Pangandaman sa Marawi City noong Enero 2017.

Napag-alaman na si Moscir ay kilalang sangkot sa mga kasong pagpatay sa nasabing probinsya at may koneksyon sa terror group Dawlah Islamiya-Maute na pinapangunahan ni Osoph Hadji Nasif o Commander Asrap sa Lanao del Sur.

ISIS MAUTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with