^

Probinsiya

Pekeng kidnaper ng missing na 7-anyos, arestado!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Pekeng kidnaper ng missing na 7-anyos, arestado!
Tinukoy lamang ni Col. Jowel Saliba, spokesman ng PNP-AKG ang suspek sa alyas na “Rowel” dahil sa patuloy pa umano ang dragnet operations laban sa posibleng mga kasabwat nito sa nasabing modus operandi.
STAR/File

MANILA, Philippines — Bumagsak sa mga operatiba ng PNP-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) ang isang fraud o nagpapanggap na kidnapper ng isang nawawalang 7-anyos na batang babae sa isinagawang follow-up operations sa Jala-Jala, Rizal kamakalawa.

Tinukoy lamang ni Col. Jowel Saliba, spokesman ng PNP-AKG ang  suspek  sa alyas na “Rowel”  dahil sa patuloy pa umano ang dragnet operations laban sa posibleng mga kasabwat nito sa nasabing modus operandi.

 Ayon kay Saliba si alyas “Rowel” ay nasakote sa Brgy. Bagombong, Jala-Jala, Rizal nitong Enero 16 ng taon sa isang stall sa lugar.

Ang suspek ay nagpanggap na kumidnap sa nawawalang bata na si Sophia Lhorine Mendoza. Pahayag ng kanyang ina na si Ivy Joy Grefelda, ang kanyang anak ay nawala noong Disyembre 26, 2019 sa kanilang lugar sa Brgy. Buenavista, Ilang-Ilang, General Trias City. Ang bata ay napaulat na huling nakita sa UCCP Church sa kanilang lungsod.

 Noong Disyembre 27, 2019 ay inireport ng ginang ang insidente sa General Trias Police Station at matapos ito ay ipinoste  sa kanyang social media account na nawawala ang anak na si Sophia Lhorine. Nitong Disyembre 28, nag-text sa kanya ang suspek na sinabing hawak nito ang kanyang anak at humihingi ng P50,000.00 ransom. Dahil sa walang pera ang ina ng bata, ibinaba ng suspek sa P15,000 ang hinihinging ransom pero hindi pa rin naibigay ito. Matapos ang ilang linggong negosasyon, ibinaba muli ang ransom sa P4,000.

 Dito na humingi ng tulong ang ginang sa PNP-AKG Luzon Field Unit at sa tulong ng Jala-Jala Municipal Police ay nasakote ang suspek sa entrapment operation sa isang padala center sa Brgy. Bagombong.  Inaresto ang suspek at nakuha  sa pagiingat nito ang isang cal. 45 replica at isang balisong.

vuukle comment

FRAUD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with