^

Probinsiya

Obrero nalibing nang buhay

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Patay na nang maihaon sa hukay ang isang 21-anyos na cons­truction worker matapos na matabunan ng lupa makaraang gumuho ang hinuhukay na irrigation canal sa Purok-4, Brgy. Binanowan sa Ligao City kamakalawa ng gabi.

Sinubukan pang isu­god sa Josefina Belmonte Duran Memorial District Hospital pero ideneklarang dead-on-arrival ang biktimang si Christoper Payadyad Forbes, binata at residente ng Purok-4, Brgy. Cavasi ng nasabing lungsod.

Sa ulat, dakong alas-6:40 ng gabi habang nag­huhukay ang biktima sa ginagawang irigasyon sa nasabing barangay nang biglang gumuho ang nakatambak na lupa sa itaas na bahagi ng hukay na kinalalagyan nito.

Bago pa nakaahon ang biktima ay tumabon na sa kanya ang lupa.

Agad namang sumaklolo ang mga kasamahan ng biktima upang maiahon ang huli at gumamit pa sila ng backhoe para mapadali ang pag­huhukay ng tumabong lupa pero wala nang hi­ninga ang nasabing obrero nang maiahon.

Pinaniniwalaang lumambot ang hinukay na lupa ng biktima dahil sa malalakas na buhos ng ulan nitong nakaraang mga araw.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with