Kinilala ni Police Lt. Colonel Vicente Caba-tingan, hepe ng Bacoor Police, ang nadakip na suspek na si Kingsley Osita Escobi, nasa hustong gulang, at residente ng Blk. 7, Lt. 30, Buhay na Tubig, Imus City.
STAR/ File
African, 2 pa tiklo sa P13.6 milyong shabu
Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang African national na sinasabing miyembro ng kilabot na West African Drug Syndicate at dalawa nitong kasamahan ang natimbog ng mga otoridad at nakumpiskahan ng higit sa P13-milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Bacoor City, Cavite, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Police Lt. Colonel Vicente Caba-tingan, hepe ng Bacoor Police, ang nadakip na suspek na si Kingsley Osita Escobi, nasa hustong gulang, at residente ng Blk. 7, Lt. 30, Buhay na Tubig, Imus City.

Kasama ring nadakip sa operasyon ang dala­wang kasamahan ni Escobi na sina Robert Capoy Benamir at Diomedes Nartes Gonzales na kapwa taga-Bacoor.

Ayon sa pulisya, dakong alas-10:30 ng gabi nang isagawa ang buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng Philippine National Drug Enforcement Group, SDET at Bacoor PNP sa  3 M’s Resto na nasa Coastal Road, Brgy. Talaba 2, Bacoor, Cavite.

Hindi na nakapalag pa ang mga suspek nang lumabas ang mga operatiba sa gitna ng tran-saksiyon.

Nakuha mula sa mga ito ang apat na pakete ng shabu na aabot sa dalawang kilo na may katumbas na halagang P13.6-milyon.

SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with