Kagawad itinumba sa harap ng baragay hall
Batay sa ulat ng Cotabato City Police, naganap ang pamamaril dakong alas-8:00 ng umaga kung saan may dalawang lalaki umano na sakay ng motorsiklo ang nakatambay na sa labas ng barangay hall at pagdating ng opisyal ay sinita ang mga ito.
File
Kagawad itinumba sa harap ng baragay hall
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang ka­­gawad ng barangay makaraang pagbaba-rilin sa harap mismo ng kanilang barangay hall ng ‘di pa natutukoy na riding-in-tandem sa Rosary Heights 11, Cotabato City, kamakalawa ng umaga.

Hindi na uma­bot pang buhay sa pa­ga­mutan ang biktimang si Nasser Bong Guimba, nasa hustong gulang, kagawad at residente ng nasabing lugar.

Batay sa ulat ng Cotabato City Police, naganap ang pamamaril dakong alas-8:00 ng umaga kung saan may dalawang lalaki umano na sakay ng motorsiklo ang nakatambay na sa labas ng barangay hall at pagdating ng opisyal ay sinita ang mga ito.

Tinanong ni Kagawad Bong ang dalawang lalaki kung ano ang kanilang ginagawa sa lugar at pagtalikod lamang nito ay biglang bumunot ng baril ang isa sa mga suspek at pinaputukan ang biktima gamit ang kalibre 9mm na pistola base sa basyo ng bala na narekober sa crime scene.

Patuloy pa ang gi­na­gawang imbestigasyon sa nasabing pamamaslang.

PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with