Basag ang bungo dahil sa matinding pagkakabangga sa truck ang biktimang si Raymond Villaruz, habang nasa kustodiya naman ng pulisya ang drayber ng truck na si Danilo Inocente, 22 taong gulang.
STAR/File
Rider todas sa 10-wheeler
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2020 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Todas ang isang 22-anyos na rider matapos sumalpok ang mina­ma­nehong motorisiklo sa kasalubong na 10-wheeler truck sa highway ng Brgy. Nagbacalan, Paoay, Ilocos Norte noong Huwebes.

Basag ang bungo dahil sa matinding pagkakabangga sa truck ang biktimang si Raymond Villaruz, habang nasa kustodiya naman ng pulisya ang drayber ng truck na si Danilo Inocente, 22 taong gulang.

Sa salaysay ni Inocente at ng mga naka-sak­si sa mga otoridad, mabilis at biglaan ang pagsalubong ni Villaruz sa truck dakong alas-9:00 ng gabi.

Dahil sa walang suot na helmet ay nawa­sak ang bungo ni Villaruz at nagkalat pa sa lansagan ang durog nitong utak kaya’t hindi na rin nagawang malaman ng mga imbestigador kung lasing ito nang maganap ang insidente.

Iginiit naman ng dray­ber ng truck ang kan­yang pagiging inosente sa pangyayari.

MOTORSIKLO PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with