Mag-asawa niratrat: Misis dedo, mister kritikal
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2020 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Patay ang isang ginang habang nasa malubhang kalagayan ang kanyang mister matapos pagbabarilin ng ‘di pa nakikilalang suspek habang sila’y naglalakad sa Sitio Anis­lag, Brgy. Pina sa bayan ng Palanas, Masbate kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot dahil sa tama ng punglo sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Nelita Bonggo Atacador, 60-anyos, habang patuloy na inoobserbahan sa Masbate Doctors Hospital ang kalagayan ng mister na si Esmael Almanzor Atacador, 66-anyos, pa­wang residente ng nasabing barangay.

Sa ulat, dakong alas-6:00 ng gabi, nag­la­lakad pauwi ang mag-asawa galing ng kanilang sakahan nang sumulpot sa kanilang daraanan ang nakaabang at hindi nakila-lang gunman.

Sa hindi malamang motibo ay biglang pinagbabaril ang mag-asawa gamit ang hindi malamang kalibre ng baril.

Bumulagta agad si Nelita habang sugatan sa katawan si Esmael na isinugod sa nasabing pagamutan ng mga re-sidente.

Tinutugis na ang   gunman na agad tuma­kas patungo sa hindi malamang direksyon.

KRIMEN PAGBABARILIN PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with