Miyembro ng Abu Sayyaf na may kasong murder, naaresto
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga oto­ridad ang isang mi-yembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na sangkot sa pagpatay noong nakalipas na linggo kay Police Lt. Sali Salim sa isinagawang follow-up operation sa pier ng Zamboanga City, nitong Biyernes ng umaga.

Ang nasakoteng sus­pek ay si Benhajar Sa­lapuddin Alan, nasa hustong gulang, residen­te ng Sta. Barbara sa lungsod ng Zamboanga.

Sa ulat, dakong alas-5:00 ng umaga nang maaresto si Alan sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Catherine Fabian, ng Regional Trial Court (RTC) Branch 16, 9th Judicial Region, Zamboanga City sa kasong “murder qualified by treachery”, sa Zamboa­nga Port Authority Compound, Zamboanga City.

Si Alan ay sangkot sa pagpatay kay Police Lt. Sali Salim, team leader  ng Provincial Drug Enforcement Unit ng Sulu Police noong Enero 12, 2020.

Ang suspek ay itinuturo ring pangunahing salarin sa pagpatay sa isang Joemer Hashim Jawadin noong Disyembre 7, 2015 sa nasabi ring lungsod.

Sa tala, ang suspek ay miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Sulu na pinamumunuan ng napatay na Abu Say-yaf senior leader Albader Parad, at sangkot sa  kidnapping-for-ransom, gun-for-hire at illegal drug activities.

Patuloy namang isinasailalim sa masusing tactical interrogation ang nasakoteng Abu Sayyaf member.

ABU SAYYAF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with