Nabatid na nagkaroon ng matinding pagtatalo ang mag-asawa nang kulang sa kalahati ang iniabot ni Josemar sa misis na suweldo nito mula sa pinapasukang construction.
STAR/File
Misis binoga ni mister, patay!
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - January 15, 2020 - 12:00am

Dahil sa kulang na intrega ng suweldo

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Bulagta ang isang 23-an­yos na misis matapos barilin ng sariling mister na kanyang “sinabon” at inaway dahil sa kulang ang perang inintrega umano sa kanya noong nakaraang suweldo sa Brgy. Malamsit, Peñarrubia, Abra, kamakalawa.

Ayon kay Captain Joseph Dumaya, hepe ng Peñarrubia Police Station, nadatnan ng mga nagrespondeng pulis ang nagkalat na pera sa kuwarto nina Josemar Valera, 29-anyos at misis na si Jenica na patay na nang mairating sa ospital.

Nabatid na nagkaroon ng matinding pagtatalo ang mag-asawa nang kulang sa kalahati ang iniabot ni Josemar sa misis na suweldo nito mula sa pinapasukang construction.

Agad dinakip ng mga pulis si Josemar na mariin pang itinanggi ang krimen. Gayunman, narekober ng mga imbestigador ang cal. 38 revolver na umano’y itinapon ng mister, may 10 metro ang layo mula sa kanilang bahay matapos na mabaril ang asawa. 

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with