Hepe ng PDEU, civilian asset utas sa drug ops
Kinilala ni P/Major Jemar delos Santos, spokesman ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang mga nasawi na sina Police Lt. Sali Aspi Salim, hepe ng DEU ng Sulu Police at sibilyang asset na si alyas “Jipon”.
File
Hepe ng PDEU, civilian asset utas sa drug ops
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - January 15, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines – Nagbuwis ng buhay ang hepe ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) at isang civilian asset  habang isa pa ang nasugatan makaraang pagbabarilin ng 9 na hinihinalang miyembro ng drug syndicate na kanilang minomonitor sa isinagawang anti-drug operation sa Brgy. Tagbak, Indanan, Sulu kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni P/Major Jemar delos Santos, spokesman ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang mga nasawi na sina Police Lt. Sali Aspi Salim, hepe ng DEU ng Sulu Police at sibilyang asset na si alyas “Jipon”.

 Isa namang PDEU personnel ang sugatang isinugod sa pagamutan matapos nitong tangkaing habulin ang mga umatakeng armadong suspect.

 Bandang alas-10 ng umaga habang nagsasagawa ng pagmamanman sa napaulat na talamak na bentahan ng droga sa lugar ang mga miyembro ng Sulu PDEU sa pamumuno ni Salim sa lugar nang mangyari ang insidente. Agad silang pinaputukan ng mga armadong suspect kung saan napuruhan ng punglo si Salim at ang nasabing kasamang asset. Samantalang nasugatan ang isa pang miyembro ng PDEU team na hu­mabol sa mga tumatakas na suspek.

 Kaugnay nito, pinarangalan ng Sulu Provincial Police Office (PPO) ang kabayanihan ni Salim na nagbuwis ng buhay sa drug war kung saan tinanggap ng pamilya nito ang “Medalya ng Kabayanihan”.

“Financial assistance was given by Provincial Government of Sulu and Sulu PPO to his immediate fa­mily,” pahayag ni delos Santos.

Ioobserba ng Sulu PPO ang isang linggong pagluluksa at ang national flag ay ilalagay sa half-mast sa lahat ng tanggapan ng pulisya sa lalawigan.

 

PDEU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with