Kinilala ng Santiago City Police ang nasawi na si Abel Acleb, backrider ng isang pulang Honda motorcycle habang nasa kritikal ang driver nito na si Bert Maggac, 27, ng Talboc Mayoyao, Ifugao.
STAR/File
Motor inararo ng bus: Angkas dedo, 1 kritikal
Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - January 15, 2020 - 12:00am

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines – Isa ang agad na nasawi habang nasa kritikal na kalagayan ang kasamang rider matapos na araruhin ng isang pampasaherong bus ang sinusundang motorbike sa pangunahing lansangan ng Barangay Mabini sa lungsod na ito, kamakalawa ng mada­ling araw.

Kinilala ng Santiago City Police ang nasawi na si Abel Acleb, backrider ng isang pulang Honda motorcycle habang nasa kritikal ang driver nito na si Bert Maggac, 27, ng Talboc Mayoyao, Ifugao.

Nakilala naman ang driver ng pampasaherong Dalin Bus (NDL 3294) na si Jay Mar Reyes ng Brgy. Disimuray, Cauayan City.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Traffic Ma­nagement Group ng Santiago City Police Office, sinusundan ng bus na minamaneho ni Reyes ang pagewang-gewang na motorsiklo ng dalawang biktima nang big­lang magpreno si Maggac sa minamanehong motorsiklo sanhi upang maararo sila ng bus at makaladkad pa ng 15 metro ang layo.

Dead-on-the-spot ang backrider na si Acleb habang mabilis na isinugod sa  pagamutan ang kamag-anak na si Maggac. Boluntaryo namang sumuko sa himpilan ng pulisya ang driver ng bus.

 

ANGKAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with