Misis na HVT, 2 pa tiklo sa P4.3 milyong shabu
Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - January 15, 2020 - 12:00am

CAVITE, Philippines – Arestado ang isang ginang na high value target (HVT) at dalawa pang nasa drug watchlist matapos na masamsaman ng mahigit P4.3 milyong halaga ng shabu sa buy-bust ­operation ng pulisya at PDEA sa Brgy. Molino 2, Bacoor City kahapon. 

Kiniala ni Pol. Col. Vic Cabatingan, hepe ng pulisya sa lungsod ang mga suspek na sina Aisa Juiamalo alyas “Aisa”, 58-anyos, may asawa; babaeng si Bainot Saidali alyas “Tamban”, 40, at Nasser Makalpal, 38; kapwa residente ng Houston St., George Town Phase 2, Brgy. Molino 4, Bacoor City, Cavite. 

Sa ulat, dakong alas-2:45 ng madaling araw nang ikasa ang buy-bust ng City Drug Enforcement Team ng Bacoor City Police kasama ang ilang miyembro ng PDEA-Cavite sa nasabing lugar at isang pulis ang tumayong poseur buyer na nakipag-deal sa mga suspek.

Nang magpositibo ang transaksyon, dito na dinakma ang mga suspek at nakumpiska sa kanila ang isang milk container at isang coin purse na naglalaman ng 635 gramong shabu na nasa ?4,318,000 ang halaga.

DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with