Benguet traders kay Mayor Isko: ‘Wag isara ang Divisoria’
Artemio Dumlao (Pilipino Star Ngayon) - January 14, 2020 - 12:00am

La Trinidad, Benguet, Philippines — Umapela kahapon ang mga vegetable traders sa Benguet kay Manila City Mayor “Isko” Moreno na panatilihing bukas ang Divisoria sa kasagsagan ng Feast of Sto Niño de Tondo.

 Dahil sa pagtayang malaking pagkalugi, hiniling ng mga magsasaka at negosyante ng mga gulay kay Moreno na huwag i-shut down ang Divisoria ng tatlong araw dahil inaasahang mabubulok ang kanilang libu-libong kilong gulay.

Nabatid na ipagdiriwang ng Manila City government ang taunang Fiesta de Sto. Niño of Tondo, Manila mula sa dara­ting na Enero 17-19. Ang mga kalsada patungo sa lugar ay sinasabing isasara para sa piyesta.

 Ayon kay La Trinidad Vegetable Truckers and Traders Association grievance officer Rudy Bulawan, nasa 500 tonelada ng iba’t ibang gulay ang idini-deliver sa Manila kada araw.

Dahil dito, nangangamba si Bulawan na kung sarado ang lugar ng tatlong araw, nasa 1,500 toneladang gulay ang hindi made-deliver sa Maynila, at mai-stock at mabubulok lang sa vegetable trading post ng La Trinidad.

 Sinabi ni Bulawan na humingi na sila ng tulong sa mga lokal na opisyal ng Benguet at La Trinidad para makipag-usap sa LGU ng Manila upang mapagbigyan ang kahilingan ng mga negosyante at magsasaka na ma-dispose ang kanilang mga gulay.   

 Sinabi naman ni La Trinidad Mayor Romeo Salda na nakatakda na silang makipag-dayalogo kay Mayor Isko kaugnay sa kahilingan ng mga traders at magsasaka. 

DIVISORIA ISKO MORENO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with