Mister nagbaril sa harap ni misis
Sa report ng pulisya, natalsikan pa ng dugo ang ginang nang kalabitin ni Arturo Manuel, isang barangay tanod, ang baril niyang paltik paitaas sa bumbunan mula sa kanyang panga sa loob ng kanyang bahay dakong alas-10:45 ng gabi.
STAR/File

Mister nagbaril sa harap ni misis

Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - January 10, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines – Isang mister ang walang pakundangang nagboga sa panga sa harap mismo ng kanyang maybahay matapos na ‘di makayanan ang problema sa pinansyal, naganap sa Brgy. Salay, San Agustin, sa lalawigan ng Isabela noong Miyerkules ng gabi.

Sa report ng pulisya, natalsikan pa ng dugo ang ginang nang kalabitin ni Arturo Manuel, isang barangay tanod, ang baril niyang paltik paitaas sa bumbunan mula sa kanyang panga sa loob ng kanyang bahay dakong alas-10:45 ng gabi.

Tigmak sa sarili nitong dugo nang lumagapak sa sahig ang mister sa harap ng kanyang misis na naunang nakikiusap sa kanya na huwag ituloy ang pagpapakamatay.

Problemado umano sa pera ang mister na siyang sinasabing nagtulak upang tuldukan na lamang nito ang kanyang buhay.

Inaalam pa ng mga imbestigador kung anong klaseng bala ang kumitil sa buhay ni Manuel at paano at saan ito umiskor ng baril gayong wala naman itong pera.

SUICIDE
Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with