Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon sa motorsiklo sina Asi at Claveria na kapwa nagtamo ng malulubhang sugat sa katawan at idineklarang dead-on-arrival sa Jesus of Nazareth Hospital.
STAR/File
3 rider todas sa road mishap
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - December 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tatlong motorcycle riders ang nasawi sa magkakahiwalay na sakuna sa lansangan sa mga lalawigan ng Batangas at Quezon kamakalawa.

 Sa ulat ni Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) Police Director Brig. Gen. Vicente Danao, dakong alas-2:48 ng mada­ling araw, sinuwag ng Hinoo SH 1E truck tractor na minamaneho ni Randy Ronquillo  ang Kawasaki motorcycle ni Marlo Asi habang kaangkas si Roger Claveria sa kahabaan ng national road, Brgy. San Isidro, Batangas City.

 Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon sa motorsiklo sina Asi at Claveria  na kapwa nagtamo ng malulubhang sugat sa katawan at idineklarang dead-on-arrival sa Jesus of Nazareth Hospital.

Sa isa pang insidente, alas-10  ng umaga nang mabangga  ng isang humahagibis na Hyundai Aerospace bus (UYA-489) na minamaneho ni Allan Perez  ang kasalubong na Yamaha Mio125 motorcycle  na minamaneho ni Jonathan Lagrazon na lubhang napinsala ang katawan kaya dead-on-the-spot sa insidente.

ROAD MISHAP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with