Ang isa sa dalawang pasaherong nasawi matapos salpukin ng tren ng Philippine National Railways (PNR) ang UV Express van sa crossing sa Brgy. Camambugan, Libmanan, Camarines Sur, kahapon ng tanghali.
Jorge Hallare
Van sinalpok ng tren: 2 dedo
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - December 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawa ang nasawi habang 17 ang sugatan matapos salpukin at kaladkarin pa ng tren ng Philippine National Railways (PNR) ang isang UV Express van sa cros-sing sa Brgy. Camambugan, Libmanan, Camarines Sur, kahapon ng tanghali.

Dead-on-the-spot ang mga biktimang sina Jaime Victor Olarte, 12-anyos at Glenda Ravago, guro, nasa hustong gulang, at pawang mga residente ng Brgy. Impig, Sipocot.

Isinugod naman sa Libmanan District Hospital ang 17 sugatan kasama ang driver ng van na si Danilo del Mundo Diokno.

Sa ulat ni Staff/Sgt. Emy Rose Organis, tagapagsa-  lita ng Libmanan Police, dakong alas-11:50 ng tanghali ay galing sa Sipocot patungong Naga City ang van (tempora-ry plate number 053210) na minamaneho ni Del Mundo.

Gayunman, pagdating ng van sa crossing ng riles at kalsada ay sinalpok ito sa kaliwa at hulihang bahagi ng paparating na tren.

Sa lakas ng pagkaka-bangga at tumilapon ang van ng nasa 15-metro.

Namatay noon din sina Olarte at Ravago na pawang nakasakay sa hulihang bahagi ng van.

PHILIPPINE NATIONAL RAILWAYS PNR VAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with