Kinilala ang isa sa nasawi na si Ma. Analoyd Seyosa Po, 24-anyos, dala­ga at residente ng Brgy. Haga, Naga City.
STAR/ File
Bus vs van: 5 pasahero patay, 11 sugatan
Tony Sandoval, Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - December 16, 2019 - 12:00am

NAGA CITY, Philippines-- Lima ang kumpirma- dong patay habang 11 na iba pa ang sugatan matapos ang salpukan ng isang pampasaherong bus at isang closed van kamakalawa ng hapon sa Pagbilao, Quezon.

Kinilala ang isa sa nasawi na si Ma. Analoyd Seyosa Po, 24-anyos, dala­ga at residente ng Brgy. Haga, Naga City.

Kabilang sa mga nasawi ang dalawang lalaki, isang babae at isang menor-de-edad.

Isinugod naman sa ospital ang mga sugatan na sina Cyrus Bato, 29; Calixtro Maha Villamor, 44; John Panfilo Tondo; Karren Rigo Rosa Diaz, 22; Merlinda Garlet Cujano, 31; Angie Mikaela Retana Transmonte, 36; at inaalam ang pagkakakilanlan ng limang iba pa.

Sa ulat, dakong alas-5 ng hapon noong Sabado nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Maharlika Highway, New Diversion Road, Sitio Upper Sapinit, Brgy. Silangang Malicboy sa nasabing bayan.

Lumabas sa imbestigasyon na tinatahak ng Mitsubishi Fuso Canter Aluminum Elf closed van (EVT-834) na minamaneho ni Sander Sisic Soliveres, 30, ang nasabing lugar at papaliko sa isang bahagi ng kalsada patungo sa direksyon ng Maynila nang aksidente nitong mabangga ang Visayas bound na CUL Bus na minamaneho ni Reynaldo Oral Sampilo, 44.

Dahil sa lakas ng bangga, tumilapon palabas ng bus ang limang sakay nito habang 10 ang nagtamo ng matinding sugat sa katawan na mabilis na isinugod sa Quezon Medical Center sa Lucena City.

Dinala naman sa MMG Hospital ang driver ng truck na nagtamo rin ng mga sugat sa katawan.

ANALOYD SEYOSA PO CYRUS BATO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with