Kinilala ang napaslang na mataas na opisyal ng NPA na si Robert Estiller alyas Ka Meo/Ka Cindy, commanding officer ng Guerilla Unit ng Larangan 2, Bicol Regional Party Committee habang patuloy na ina­alam ang pagkakakilanlan ng tatlo niyang napatay ding tauhan.
The STAR/ File
Kumander ng NPA, 3 pa utas sa encounter
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - December 16, 2019 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - Bulagta ang kumander ng New People’s Army (NPA) at tatlo niyang tauhan matapos makaengkuwentro ang mga sundalo sa bulubunduking lugar ng Brgy.Tugas sa bayan ng Matnog, Sorsogon kahapon ng umaga.

Kinilala ang napaslang na mataas na opisyal ng NPA na si Robert Estiller alyas Ka Meo/Ka Cindy, commanding officer ng Guerilla Unit ng Larangan 2, Bicol Regional Party Committee habang patuloy na ina­alam ang pagkakakilanlan ng tatlo niyang napatay ding tauhan.

Sa ulat, dakong alas-5:50 ng umaga,  sinalakay ng mga tauhan ng 31st Infantry Brigade ng Philippine Army ang training camp ng mga rebelde na pinangungunahan ni Estiller matapos ituro ito ng dating kadre na nadakip ng mga militar sa engkuwentro nila noong Setyembre.

Nabatid na umabot ng isang oras mahigit ang putukan sa pagitan ng mga sundalo at 60 na rebelde hanggang sa tumimbuwang ang apat sa kanila, kasama ang kanilang pinuno.

Tumakas ang mga rebelde makaraang makitang napaslang ang kanilang lider at tatlong kasamahan.

Nasamsam ng mga sundalo sa lugar ang apat na M16 armalite rifle at dalawang grenade launcher.

NEW PEOPLE’S ARMY ROBERT ESTILLER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with