Kinilala ni P/Col. Emma Libunao, Bulacan Provincial director ang mga napatay na suspek na sina alias Unta at Christian Encabo alias Balawis.
The STAR/ File
2 ‘tulak’ bulagta, 13 huli sa buy-bust
Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - December 16, 2019 - 12:00am

MALOLOS CITY, Bulacan , Philippines– Dalawang hinihinalang drug pusher ang patay habang 13 iba pa ang natimbog sa magkakahiwalay na buy-bust operation kahapon ng madaling araw sa bayan ng Plaridel at siyudad ng Meycauayan, lalawigang ito.

Kinilala ni P/Col. Emma Libunao, Bulacan Provincial director ang mga napatay na suspek na sina alias Unta at Christian Encabo alias Balawis.

Si alias Unta ay napatay sa Brgy. Lalangan, Plaridel dakong ala-1:00 ng madaling araw habang si Balawis ay tumumba dakong alas-2:30 ng madaling sa Brgy. Malhacan, Meycauayan.

Ang dalawang suspek ay pawang nanlaban umano sa mga otoridad sa buy-bust at kapwa nasa PDEA drug watchlist. Nakuha sa mga nasawi ang 30 piraso ng plastic sachet ng shabu, dalawang cal .38 revolver at buy-bust money.

Samantala, 13 pang tulak ng droga ang naaresto ng mga pulis sa magkakahiwalay na drug operation sa San Jose del Monte City; Meycauayan City at San Ildefonso. Nasamsam sa mga suspek ang 36 plastic sachet ng shabu, mga drug paraphernalia at buy-bust money.

CHRISTIAN ENCABO MMA LIBUNAO PDEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with