Ang bakbakan ay nangyari sa kabila ng napipintong usapang pangkapayapaan na naudlot sa pagitan ng mga komunista at pamahalaan at ang nalalapit na foun-ding anniversary ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa Disyembre 26.
Joven Cagande/ File
Sundalo todas sa bakbakan
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - December 16, 2019 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan, Philippines - Isang sundalo ng Philippine Army ang nasawi habang dalawa pa ang kritikal kasunod ng engkuwentro ng kanilang tropa sa hindi nabatid na bilang ng mga pinaniniwalaang rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Barangay Villa Rey, Echague, Isabela noong Sabado.

Ang bakbakan ay nangyari sa kabila ng napipintong usapang pangkapayapaan na naudlot sa pagitan ng mga komunista at pamahalaan at ang nalalapit na foun-ding anniversary ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa Disyembre 26.

Hindi muna binigay ni 5th Army Division Spokesman Major Noriel Tayaban ang pagkaka-kilanlan ng namatay at mga sugatang sundalo na miyembro ng 86th Infantry Battalion hangga’t hindi pa naipababatid ang kanilang sinapit sa mga kaanak.

Ayon kay Tayaban, nagtungo ang tropa sa lugar upang tugunan ang report ng pananatili ng mga armadong katao na nakasalubong nila sa daan sanhi ng engkuwentro.

MAJOR NORIEL TAYABAN NPA SUNDALO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with