Tserman, live-in partner nilikida
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - December 16, 2019 - 12:00am

DAVAO, Philippines — Ang pagiging aktibo sa kampanya laban sa New People’s Army o NPA ang isa sa mga nakikitang dahilan kung bakit pinaslang ang isang punong barangay at live-in partner nito sa Purok Mundo Hill, Sitio Quarry sa Barangay Gumitan, Marilog District, Davao City noong Sabado ng umaga.

Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, magkaangkas sa motorsiklo sina Brgy. Chairman Fernando Banayao at Genevieve Valenzuela nang tambangan sa nabanggit na lugar.

Agad namatay si Banayo habang hindi na umabot ng buhay sa ospital si Valenzuela. Narekober sa lugar ng krimen ang pitong basyo ng kalibre .45 na baril at dalawang .9mm. Sinasabing aktibo sa kampanya laban sa mga miyembro ng  NPA ang kapitan ng barangay.

FERNANDO BANAYAO NPA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with