Parak, lola utas sa ambush, 12 sugatan
Ayon kay P/Lt. Col. Maria Bella Rentua­yan, tagapagsalita ng Police Regional Office sa Eastern Visayas (PRO 8), kinilala na ang mga nasawi na sina Patrolman Mark Jerome Rama at ang nadamay na lola na si Agripina Trabuco, 69, residente sa lugar.
STAR/ File
Parak, lola utas sa ambush, 12 sugatan
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - December 15, 2019 - 12:00am

SAMAR, Philippines — Bukod sa isang pulis, isa pang lola ang patay habang umakyat sa 12 katao ang sugatan matapos ang pananambang ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa isang police patrol car sa Borongan City, Samar nitong Biyernes.

Ayon kay P/Lt. Col. Maria Bella Rentua­yan, tagapagsalita ng Police Regional Office sa Eastern Visayas (PRO 8), kinilala na ang mga nasawi na sina Patrolman Mark Jerome Rama at ang nadamay na lola na si Agripina Trabuco, 69, residente sa lugar.

Nabatid na unang napaulat na isang 3-taong gulang na batang lalaki ang namatay sa ambush ngunit itinama ito at natukoy na ang namatay na sibilyan ay si Trabuco.

Sa ulat, pinasabugan ng may 50 miyem­bro ng NPA ng isang improvised explosive device (IED) ang isang Toyota Hilux police patrol car habang bumabagtas sa kalsada sa Brgy. Libutan, Borongan City patungong Samar Police Provincial Office sa Catbalogan City. Sinundan umano ang naturang landmine explosion nang sunud-sunod na putok ng baril mula sa mga rebelde na ikinamatay ng pulis na si Patrolman Rama habang nahagip ng bala si Trabuco.

Ipinaliwanag ni Rentuayan na dumami ang bilang ng mga sibilyan na nadamay sa pananambang dahil tinamaan din ng mga bala ng mga rebelde ang dalawang tricycle at isang Mitsubishi L300 van na kasunod ng police patrol car na bumibiyahe rin sa lugar. Aniya, hanggang nitong Sabado ay nasa crime scene pa ang mga awtoridad at nagsasagawa ng imbestigasyon sa insidente.

Ang pananambang ay naganap habang isinasagawa ang informal talks sa pagitan ng gobyerno at National Democratic Front sa Utrecht, Netherlands kung saan ipina-dala ni Pangulong Rodrigo Duterte si Labor Secretary Silvestre Bello III bilang huling baraha niya sa usapang pangkapayapaan.

MARIA BELLA RENTUA­YAN POLICE REGIONAL OFFICE
Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with