83-anyos, 760 iba pa nagtapos sa Nueva Vizcaya
K a l u n g - k a l o n g n g m g a nanay ang mga sanggol nilang anak habang hinih i n t a y na mataw a g a n g k a n i l a n g pangalan para tanggapin ang kanilang diploma kasama ang pinakamatanda sa kanila na si Anastacia Celestino (inset), 83-anyos, sa pagtatapos ng technical at vocational courses sa ilalim ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa ika-4 na commencement exercises ng Tam-An Agri-Tech Tourism and Training Center Inc. sa Brgy. Busilac, Bayombong, Nueva Vizcaya.
Kuha ni Victor Martin
83-anyos, 760 iba pa nagtapos sa Nueva Vizcaya
Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - December 15, 2019 - 12:00am

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Nakatanggap ng diploma ang nasa 761 mag-aaral kabilang ang 83-anyos na lola sa kanilang technical at vocational courses sa ilalim ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa Tam-An Agri-Tech Tourism and Training Center Inc. na nakabase sa Brgy. Busilac ng bayan ito kahapon.

Ayon kay Jose Tomas, Jr., presidente ng Tam-An Agri-Tech Tourism and Training Center Inc., ang mga nagtapos sa ika 4th commencement exercises na may temang “Let’s Build a Future Together with TESDA Abot-Lahat” ay binubuo ng mga mag-aaral tulad ng mga self-employed, senior citizens, single-parents, non-working adults, out-of-school youth at maging ang mga professionals.

Sa 761 graduates, 262 dito ang tumanggap ng certificates for Animal Production (Swine) NC2; 203 para sa Automotive Servicing NC1; 92 sa Electrical Installation and Maintenance (EIM) NC2; 79 sa Shielded Metal Arc Welding (SMAW) NC2; 11 sa Training Methodology NC1; 18 sa Agricultural Crop Production (ACP) NC1; 15 sa Agricultural Crop Production (ACP) NC2; 21 sa Driving NC2; 33 sa Driving NC3; at 27 naman para sa Organic Agriculture Production NC2.

Ayon naman sa lolang si Anastacia Celestino, 83, isa sa 39 mga senior citizens na nagtapos ng Organic Agriculture Production NCII, na ang kanyang napag-aralan ay magagamit niya sa kanilang organic farming na siyang kailangan sa kanilang lugar.

Pinuri naman ni Senator Francis “Tol” Tolentino sa kanyang mensahe ang mga graduates sa kanilang pagpupursige para makakuha ng technical-vocational skills na kakailanganin nila para makahanap ng trabaho o magkaroon ng sariling kabuhayan.

ANASTACIA CELESTINO TESDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with