15 huli sa droga, sugal sa âFriday the 13thâ
Sa ulat sa tanggapan ni City Police Director P/Col. Joyce Patrick Sangalang, kinilala ang mga suspek na sina Marco Caparas, 29; Israel Mandap, 30; Christoper Kayas, 20; Louie Mangio, 41; Alvin Eñosa, 32; Cris Manuel 32, at magpipinsan na sina Onorio Liwanag, 47; Ricardo Liwanag, 53 at Ronquillo Liwanag, 42.
The STAR/ File
15 huli sa droga, sugal sa ‘Friday the 13th’
Gary Bernardo (Pilipino Star Ngayon) - December 15, 2019 - 12:00am

ANGELES CITY, Philippines — Minalas sa Friday the 13th ang 15 kalalakihan na magpa-Pasko sa kulungan matapos matimbog sa magkakahiwalay na anti-illegal drug at illegal gambling operations ng Angeles City Police kamakalawa.

Sa ulat sa tanggapan ni City Police Director P/Col. Joyce Patrick Sangalang, kinilala ang mga suspek na sina Marco Caparas, 29; Israel Mandap, 30; Christoper Kayas, 20; Louie Mangio, 41; Alvin Eñosa, 32; Cris Manuel 32, at magpipinsan na sina Onorio Liwanag, 47; Ricardo Liwanag, 53 at Ronquillo Liwanag, 42.

Nasamsam sa mga suspek ang 22 plastic sachet ng hinihinalang shabu, mga drug paraphernalia at marked money. Samantala, inaresto rin ang anim na lalaki matapos mahuling nagsusugal sa Brgy. Sta Trinidad na kinilalang sina Marcos Sagcal,42; Ferdinand Sagcal, 42;  Arnel Sicat, 41; Allan David, 42; Michael Sumawang, 36 at Rodel Salas, 54. Nasamsam sa kanila ang baraha at perang gamit sa sugal na Russian Poker Winner Take All.

ANGELES CITY POLICE JOYCE PATRICK SANGALANG MARCO CAPARAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with