Sundalo, misis tiklo sa droga
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - December 15, 2019 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines — Arestado ang isang sundalo at asawa nito matapos mahuli sa buy-bust operation ng mga otoridad sa Villa Cacacho Subdivision, Brgy. Mankilam, Tagum City noong Biyernes ng umaga.

Isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Davao, National Bureau of Investigation (NBI)-Davao at Tagum Police ang operasyon laban kay Staff Sergeant Ramil Edullantes, miyembro ng 10th Infantry Division at asawa nitong si Flora Mae pasado alas-9:00 ng umaga. 

Nakuha ng mga awtoridad sa mag-asawa ang walong gramo ng pinaghihinalaang shabu, marked money, cellphone, at drug paraphernalia.

Ayon sa pulisya, matagal na nilang minamanmanan ang kilos ng mga suspek hanggang sa maikasa ang operasyon.

Kinokonsiderang high-value target (HVT) sa kanilang talaan ang mga suspek.

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with