^

Probinsiya

6 patay sa ‘Friday the 13th’ road mishap

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
6 patay sa �Friday the 13th� road mishap
Sa ulat ni Tacurong City Police, isang sports utility vehicle, isang pick-up truck, dalawang tricycle at isang motorsiklo ang nagkarambola dakong alas-4:10 ng madaling araw sa kahabaan ng Alunan highway, Purok 9, Brgy. Poblacion ng naturang lungsod.
The STAR/ File

SULTAN KUDARAT, Philippines — Tila may katotohanan ang paniniwalang may dalang kamalasan ang ‘Friday the 13th’ nang anim na katao ang nasawi kabilang ang apat na mga bata matapos masangkot sa isang karambola sa kalsada ang limang sasakyan sa national highway sa Tacurong City, Sultan Kudarat, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ni Tacurong City Police, isang sports utility vehicle, isang pick-up truck, dalawang tricycle at isang motorsiklo ang nagkarambola dakong alas-4:10 ng madaling araw sa kahabaan ng Alunan highway, Purok  9, Brgy. Poblacion ng naturang lungsod.

Kinilala ang mga nasawi na sina Najmea Kusain; Juhaiber Mamusaka,12; Juhaina Mamusaka, 9; Aipa Mamusaka, 2; Juhairi Mamusaka,1 taong gulang; pawang residente ng Fatima General Santos City at Atong Ontong,19.

Patuloy namang nilalapatan ng lunas ang mga sugatang sina Nasser Mamusaka, 33, drayber ng tricycle; Nahib Mamusaka, 5; Juhaira Mamusaka, 3; mag asawang Ariel Ypil Legada, 23, at Marielle Legada, 23.

Slightly injured naman ang may-ari at driver ng Montero Sport na may temporary plate number 130104 na si Dr. Omar Shariff Cabalida Acob, 29-anyos, habang ligtas naman ang tatlong sakay nito.

Ang isa pang behikulo na sangkot din sa karambola ang isang kulay itim na Toyota Hilux (LHE 754) na minamaneho naman ni Brent Nicole Cerebo, 20, ng President Quirino, Sultan Kudarat na may lulan ding mga nasugatang pasahero.

Batay sa imbestigasyon, nasa iisang lane at magkakasunod na binabaybay ng mga sasakyan ang highway papunta sa direksyon sa rotonda, pasado alas-4:00 ng madaling araw nang salpukin ng SUV ang isang tricycle na sakay ang isang pamilya.

Humiwalay ang sidecar ng tricycle at bumangga sa concrete pavement kung saan dead-on-the-spot ang anim na sakay nito.

Ang iba pang mga nasugatang pasahero ay isinugod naman sa Tomboc Salayog Hospital para malapatan ng lunas.

Patuloy naman ang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad sa kasong ito.

vuukle comment

JUHAIBER MAMUSAKA

TACURONG CITY POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with